Friday, October 26, 2012

National Museum of the Philippines

Nag-enroll muna ko, ang dali ko lang naman nakalusot dahil konti pa lang ang AB. So yun enrolled na finally. Met up with Paula and Stella and bye din agad since pupunta nga kami sa National Museum. Nag-abang muna ako sa dorm ng isang oras ata kasi nag-explore si Papa at Carla sa Bambang para tumingin ng piyesa ng bike ni Papa. Sa kasamaang palad wala naman sila napala, yun we stayed at our dorm for a while and picked my dirty sheets. Tapos kumain kami sa Pard's! Finally something new for Papa and Carla's stomach and affordable pa! I ordered my favorite sizzling Pusit, Sisig for Carla and Garlic pork chop for Papa tska yung masarap nilang Chopsuey pero I was kinda disappointed with the java rice di siya masarap for that day medyo nasobrahan siya sa ketchup naglasa tuloy spaghetti.

After kumain, National Museum na. Since free admission for the whole month of October why not pay a visit diba? Visit lang oh, libre na nga. :)
Una namin pinuntahan ang ever famous na work of art ni Juan Luna, Ang Spoliarium kasi nga yung painting na yun ang wewelcome sayo. Grabe sobrang ganda, sobrang makabuluhan, sobrang detailed, sobrang pinaghirapan iba yung epekto niya eh parang ramdam mo yung emosyon nung paghatak dun sa mga gladiators. Nabasa ko dun sa Wiki na sabi ni Rizal na it "embodied the essense [sic] of our social, moral and political life: humanity in severe ordeal, humanity unredeemed, reason and idealism in open struggle with prejudice, fanaticism and justice..." Totoo naman, diba? Aminado naman ako may mga iniidolo din akong dayuhan. Minsan kasi kapwa mo Pilipino ang nagbababa sayo kapag may mga bagay ka na gusto, na hindi naman in, wala naman daw class kasi hindi states side o galing sa kung san man sulok ng mundo, ah basta pag hindi galing sa ibang bansa may tendency na ma-out of place ka. Kaya sa pagsuporta natin sa kung ano mang galing sa ibang bansa pinapatay natin yung sariling atin, yung kultura natin, yung pagiging Pilipino natin. Nasaan yung hustisya dun? Tuloy ang pag-angat nila,at tuloy din ang pagbagsak natin. Di na bago to eh, baka wala na rin pagbabago maganap. Kultura na din ata natin ang maging gladiator. Sorry, opinyon lang naman. 
 Maiba tayo ah, dahil sa Spoliarium din ni Juan Luna, na-lss ako dun sa kanta ng Eraserheads? Yung tungkol daw kay Pepsi Paloma na na-rape ni Vic, Joey at Richie? Nawindang ako kasi ngayon ko lang yun nalaman. Tinanong ko yung Nanay ko di naman niya alam. Tapos nagbasa ako ng mga random blogs, si Ely Buendia daw kasi isa sa mga witness na ayaw lumutang so ayun ginawa niya na lang yung kanta. Tapos yung attorney daw nila Vic eh syempre yung paborito ng online community si Tito Sotto tas yung kay Paloma naman eh si late Attorney Cayetano. Tapos pabor daw kina Sotto yung resulta nung kaso tapos yun nagpakamatay na lang daw si Paloma dahil hindi makatarungan yung naging hatol. Nag-public apology daw si Vic, Joey at Richie the horsey. Eh di aminado silang may ginawa silang masama? I go through the music video ng Spolarium tapos dun sa music vid eh isang babae yung main character with boys encircling her. Ewan if it has any relation talaga with the case. Pero if that's true talaga, napaka-unfair ng mundo. Napaka makapangyarihan pa din ng mga taong gumawa ng masama kay Paloma.   Ewan. God knows. 

After ng Spolarium we go through different painting and sculpture gallery sa ground floor. Nakakamangha lang talaga yung galing ng mga Pinoy noon. If given a chance I would really like to travel back in time tipong 19th century. Wala lang ang epic kasi ng nationalism ng mga tao back then. :D We'll have art appreciation class, sana by then marunong na ako magsuri ng mga symbolism ng mga bagay bagay. 
Si Pareng Rizal
Juan Luna
Ansaveh ng Pomade? Palmolive pa.
The last painting of Fernando Amorsolo, his chair and stuffs.
Made by the brother of Fernando Amorsolo
This painting of Botong Francisco's Evolution of Medicine really caught my attention, grabe yung transitions. Ang galing. 
We go to 2nd floor where the old senate session hall is located, lakas maka-greece, roman-ish. Ang ganda ng architecture. Napakalaki, bakit kaya di na ginagamit yung ngayon, I mean kung totour-an lang ng tao yun with that vast space nasasayangan lang ako. Oh after researchin' renovated/restored na pala yung nakita naming Senate Session Hall. Gagamitin na daw for state affairs and events? Okay I'm fine with that basta na-uutilized pero sana ginagalang at prinepreserba pa din. Pero sana nakita ko din before it has been renovated. HAHA! 
Newly Restored Old Senate Session Hall
Next stop is the last 3 exhibits, the different plants, garments and the different bones. 

We go to the last floor walang tao, it was so dark 'cause pagabi na and wala na siguro art galleries  It was the way to the balcony part of the Old Senate Session Hall. So we decided we went home na. Our day was so worth it. Napagod lang ako mag-tour and maging personal photographer. I should be back after matapos i -renovate yung buong Museum. 
It was a smooth flow from Makati bound home thru Skyway. We got home in just 10 minutes. Yey. We come home to Mom's cooking Sopas, Baked Oysters and Adobong sitaw. :D Superb day indeed. Lovin' sembreak even more. Gotta post more events. 

No comments:

Post a Comment