Saturday, October 20, 2012

God is good, all the time.

Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong grade sa tanang buhay kolehiyo ko. Kala ko gragraduate ako na di man lang naging DL. Pero sa totoo lang dati gusto ko lang pumasa, ayos na sa akin yun pero ang bait ng Diyos di man ako karapatdapat para sa ganitong pagpapala nagpapasalamat ako ng sobra. Hindi birong magkaroon ng ganitong grado lalo na sa tulad ko na average lang naman ang utak, di naman ako genius. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam di ko naman kasi inaasahan na ganyan kataas.

Gusto ko rin magpasalamat sa payrents ko, haha who pay my rents sa dorm and of course my tuition na di rin naman biro. Masaya ko kapag nasusuklian ko kahit papaano yung paghihirap at pagpapagal nila para sa akin. Maraming salamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng chance na makapag-aral sa magandang Unibersidad.

Sa mga kaibigan ko, salamat! Sa Telescene na nagbigay ng dalawang grades ko! Salamat! Ang galing galing natin lahat! <3 Sulit lahat ng paghihirap, pagpupuyat, pagkakasakit at lalong lalo na paglabas ng perang napakasakit sa bulsa! Hahahaha! Kay Sir Ampil, sa thesis mates ko na nakatapos in advance at di ako masyadong pinahirapan bilang leader nila. Kay Sir Menorca na napakabait sa grades! Gracias! Kay Ma'am Pusta Thank you, Thank you Ma'am! Sulit ang napaka-kapal ng readings. Kay Sir Arloooooo at Sir Nicky! Salamat TALAGA! Hindi ko inexpect yung grade na binigay niyoooo! Kay Sir timmy salamat pa din!

Basta, Salamat lang ang masasabi ko. Sobra-sobrang pagpapala 'to! :))

No comments:

Post a Comment