Just found this on my note lalalala...OO NGA!
Bakit nga naman ako sasakay ng Bus na Bicutan-Sucat- Alabang sa Ayala kung matratrafic lang din ako sa Bicutan at maglalakad pa ng super layo sa Sucat papunta sakayan ng jeep na magpupuno pa at isisiksik ang kayang isiksik! Tapos ma-tratrafic pa ko sa Buli!
Eh kung inantay ko na lang sana yung diretsong Alabang at di nasiyahan sa panandalian pagkaka-upo eh di mas maaga pa ko nakauwi. Mas maiksi pa yung lalakarin from bus stop to sakayan ng tricycle papunta sa amin. Mas maiksi din yung ruta at higit sa lahat mas maaga ako makakatulog!
Ang paghihintay sa tamang tao ay parang paghihintay ng bus diretso Alabang kesa ang mag-settle sa Bicutan-Sucat-Bus!

No comments:
Post a Comment