Thursday, February 21, 2013

Sasabihin ko sayo pag alam ko na...

I guess may mga bagay talaga na hindi mo malalaman at maipapaliwanag hanggang di mo pa nararamdaman. Maraming assumptions at kuro-kuro ang pumapasok sa utak mo. Tulad na lang on how a person should react in certain situations. Yun bang sabi nilang, "kakainin mo din yang mga sinasabi mo". Siguro nga dapat maging maingat tayo sa pagbibitaw ng mga salita at pangaral lalo na kung sa pagdating ng panahon di naman natin kayang i-apply sa sarili nating buhay. Ang gusto ko lang i-point eh sana kung masasaktan ka man sa hinaharap sana worth it, sana hindi mo makalimutan ang sarili mo at sana wag mo kainin ang mga sinabi mo. Pero who knows? Sabi nila parte yan nun. 

Helpless. 
Worthless.

Deep Sighs....

Mahirap pala talaga kapag naiwan ka sa ere. Kahit todong emosyon pa ang nararamdaman mo, wala ng saysay. Akala mo forever. Infinite. Pero hindi eh! Mahirap pala ma-trap sa ganoong situation. Lahat ng pangaral na maririnig mo lumalabas lang sa kabilang tenga, sabay tulo ng luha at pag-asang babalik din sa dati. Yung "dating" para sayo masaya pero sa iba nakakasawa, nakakaumay at nakakapagod na. Pero paano nga ba? Para san nga ba ang paglaya sa sitwasyon kung niloloko mo lang ang sarili mo, kung ginagawa mo lang ito para ipakita sa iba na ayos ka lang.

Kung ako't-ako lang ang tatanungin mo madali lang para sa akin yun....

Kasi nga...

Di ko pa nararamdaman yun, feeling ko dati yun na yun! Pero I just realized na hindi pa yun ang totoo. Yung kahit masakit na, kahit mukhang ka tanga di mo kayang ipamukha na you're over it. You still long na mag-reciprocate ang mga bagay-bagay kahit ikaw na lang yung may gusto. And it won't work. 

Ang alam ko lang eh mayroon talagang pagkakataon na kahit ayaw na ni utak, gusto pa ni puso. Kahit si puso tinitiis lahat ng sakit...

Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam ang pakiramdam... Sasabihin ko sayo kapag alam ko na. 

No comments:

Post a Comment